Friday, November 22, 2024

HomeNewsPhilippines-Australia Friendship Day, ipinagdiriwang sa Iloilo City

Philippines-Australia Friendship Day, ipinagdiriwang sa Iloilo City

Nakatakdang ipagdiwang sa Iloilo City ang Philippines-Australia Friendship Day sa darating na Mayo 19 hanggang 22 ngayong taon.

Ayon kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, napili anya ang lungsod ng Iloilo na maging host sa nasabing selebrasyon ngayong taon, kung saan tiniyak niya na makakatulong ito sa lungsod partikular na sa larangan ng turismo at ekonomiya nito.

Ibibida sa tatlong araw na kaganapan ang mga usaping may kaugnayan sa heritage conservation, sustainability and resilience sa negosyo at sa bawat komunidad kabilang na ang pagdidisenyo ng mga people-centered places.

Itatampok din sa nasabing selebrasyon ang natatanging exhibit kung saan ipapakita ang mga sikat na lugar at destinasyon sa lungsod na dinisenyo ng ilang mga local architect ng Iloilo City, kabilang na riyan si Paulo Alcazaren, isang architect at urban planner ng lunsod, na siyang likod ng iba’t ibang sikat na istrucktura ng lungsod.

Samantala, sasamahan naman ni Mayor Treñas si Australian Ambassador to the Philippines Her Excellency HK Yu PSM para sa heritage run sa Iloilo Esplanade na susundan naman ng Friendship Day tree planting at unveiling ng way-finders at bike racks sa Plaza Libertad sa Mayo 20.

Magkakaroon naman ng culminating activity na Friendship Day Festival sa SM City Iloilo sa Mayo 21, kung saan mayroong mga information booth tungkol sa mga travel at study opportunities sa bansang Australia, sports clinic at mga live entertainment.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe