Ibinahagi ni Samar Governor Ann Tan ang pakikipagpulong nito kay Atty. Sheryl Vargas, Chief-of-Staff ni Senador JV Ejercito.
Ayon kay Governor Tan, napag-usapan sa naturang pagpupulong ang mga proyektong nais ibahagi ng Senador para sa pagsasaayos ng serbisyong pangkalusugan partikular sa pagdadagdag ng pasilidad para sa Lungsod ng Calbayog.
Dagdag pa ng Gobernador na nagbigay ang Senador ng halagang Sixty Million Pesos (Php60,000,000.00) para sa konstruksyon ng bagong OPD Building (Medical Arts Center) na may Satellite Secondary Clinical Laboratory; Konstruksyon ng Tertiary Laboratory at Blood Bank with Additional Functions; Extension ng Dialysis Center; at pagpapalawak sa Supply Room Storage Area ng Calbayog District Hospital.
Nagpasalamat naman ang Gobernador para sa mga naitulong ng Senador na kasalukuyang nakaupo sa Senate Committee on Health and Demography para sa pagpapabuti at pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Samar.