Saturday, November 23, 2024

HomeJob OpeningsDOLE 7: 4,000 job openings iaalok sa Mayo 1

DOLE 7: 4,000 job openings iaalok sa Mayo 1

Halos 4,000 job openings ang nakahanda sa 2023 Labor Day Job Fair na itinakda sa Lunes, Mayo 1, 2023, ayon sa Department of Labor and Employment ng Central Visayas (DOLE 7).

Sinabi ng ahensya na 37 employer ang lalahok sa paparating na job fair, na gaganapin sa Robinsons Galleria Cebu Atrium Mall Area mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Sabay-sabay ding gaganapin ang job fair sa Dumaguete City.

Sinabi ng DOLE 7 na ang mga kalahok sa Cebu ay magkakaroon ng 3,816 na bakanteng trabaho, habang may kabuuang 6,600 na trabaho ang magbubukas para sa Cebu at Dumaguete para sa Araw ng mga Manggagawa.

Kabilang sa 10 pinaka-kailangan na posisyon na may bilang ng mga bakante sa Cebu ang mga sumusunod:

  • Customer Service Representatives – 458
  • Call Center Agents – 300
  • Seasonal Customer Service Associates – 300
  • ESL Teachers – 200
  • Financial Advisors – 100
  • Janitors – 100
  • Sales Representatives – 100
  • Technical Advisors – 100
  • Cashiers – 98
  • Outbound Sales Agents – 75

Upang mapagaan ang proseso ng pag-a-apply ng trabaho, hinimok ni DOLE 7 OIC-Regional Director Lilia Estillore ang mga naghahanap ng trabaho na mag-pre-register sa pamamagitan ng pag-click sa link at sagutan ang form para sa pre-registration sa https://bit.ly/Register-LaborDayJFCebu2023 .

Bukod sa job fair sa Mayo 1, naghanda ang DOLE 7 ng one-stop-shop services mula sa mga partner agencies nito.

Idaraos din ang Kadiwa ng Pangulo na pangungunahan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).

Magkakaroon din ng pamamahagi ng tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng DOLE 7 sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), livelihood program, at scholarship program na gaganapin sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe