Saturday, November 23, 2024

HomeNewsGarcia hinimok ang mga Mayors na e-level up ang performance sa Pasigarbo...

Garcia hinimok ang mga Mayors na e-level up ang performance sa Pasigarbo sa Sugbo

Hinimok ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang lahat ng alkalde sa lalawigan ng Cebu na pagbutihin ang pagtatanghal ng kani-kanilang pagdiriwang sa Pasigarbo sa Sugbo sa Agosto.

Sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Development Council (PDC) sa Kapitolyo noong Huwebes, Abril 27, 2023, sinabi ni Provincial Tourism Officer Marty Ybañez na nagsimula nang maghanda ang ilang Local Government Units (LGUs) para sa event na tinaguriang Festival of all Festivals of Cebu province.

Sa kasalukuyan, dalawang LGU ang nagsimula nang magpraktis, habang ang iba ay nagsasagawa ng audition para sa mga performers.

Iminungkahi ni Tabuelan Mayor Raul Gerona kay Garcia sa kaparehong pagpupulong na paghiwalayin ang mga kategorya para sa malalaki at maliliit na local government units.

“Suggestion ra ni gov pwede ba naay category nga kun mag-away ang mga elepante nga mga lungsod kaming mga hulmigas na lungsod, sad kami mag-inaway kay mga elepante man gud sila, mga Carcar gov pirmi na lang, unya kami ari lang mi sa ubos mag-inawayay kay lisora ani mamakpak na lang mi, manan-aw na lang mi sa ilaha gov,” saad ni Gerona.

Sinabi ni Garcia na hindi dapat panghinaan ng loob ang mga LGU at subukan nilang manaig lalo na’t pare-pareho ang bilang ng mga kalahok at lahat sila ay tatanggap ng financial subsidy mula sa Kapitolyo.

“Kamong mga municipalities how else will you be pushed to walk that extra mile and excel higher than you ever expected. Level up mo tanan, kahibalo ko kamong tanan gustong pildihon ning Carcar,” saad pa ng gobernadora.

Ang Pasigarbo sa Sugbo ay gaganapin sa Agosto bilang paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Cebu.

Sa aktibidad noong nakaraang taon na ginanap sa Cebu City Sports Center, ang Kabkaban Festival ng Carcar City ay nanalo ng Best in Ritual Showdown award.

Nanalo rin ang contingent ng lungsod sa unang pwesto sa Street Dance Competition.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe