Natapos na ang bagong silid aralan na handog ng Department of Education (DepEd) sa Ilijan Elementary School sa bayan ng Sto. Niño, Samar bago matapos ang buwan ng Abril 2023.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Samar First District Engineering Office, ang nasabing one-storey two-classroom school building ay nagkakahalaga ng Php5.64 million.
Ayon kay Mr. Marianito Jackson, School Principal, malaking tulong ang naturang bagong pasilidad para sa research at computer classes sa naturang eskwelahan.
Malaking tulong naman ito para sa pitong guro at 144 na mga estudyante kung saan ang dating School Based Management (SBM) Hub at library na dati’y yari lamang sa light materials ay isa na ngayong bago, moderno at kumpleto na sa pasilidad.
Ang nasabing karagdagang klasrum na handog ng DepEd Computerization Program (DCP) ay napakahalaga sa paghubog ng kaalaman at positibong kamalayan para sa mga kabataan.