Saturday, November 23, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsMayor Yap, tiniyak ang seguridad ng mga former rebel na sumuko sa...

Mayor Yap, tiniyak ang seguridad ng mga former rebel na sumuko sa Escalante City, NegOcc

Tiniyak ni Mayor Melecio Yap Jr. na ligtas at protektado ang mga former rebel na dating kasapi ng New People’s Army (NPA) sa kabila ng pagkabuwag ng kanilang grupo sa Northern Negros Front (NNF).

Ayon kay Mayor Yap, hindi niya tatalikuran ang mga sumukong kapatiran. Anya ang pamahalaan ay patuloy na magbibigay ng kahit anumang uri ng tulong upang mapangalagaan ang mga ito sa posibleng kapahamakan dulot ng pagbabalik loob nila sa gobyerno.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo, nakipagpulong ang nasa 40 na former rebels sa Barangay Old Escalante kasama si Mayor Yap at si Lt. Col. J-Jay Javines, Commander ng 79IB, Philippine Army at si Police Major Wence Alcuber, Deputy Chief ng Escalante City Police Station. Kabilang din sa nasabing pagpupulong si Atty. Charo Tupas-Fajardo, legal adviser ng Escalante City.

Nabahala umano ang nasabing grupo sapagkat nakatanggap ang mga ito ng iba’t ibang uri ng banta sa kanilang buhay sanhi ng kanilang pag-alis sa rebeldeng samahan.

Ang Escalante City ay mayroong pinakamataas na bilang ng insurgency-cleared villages sa buong lalawigan ng Negros Occidental.

Tinatayang nasa 14 barangays sa lungsod ang tuluyang napalaya sa impluwensya at control ng rebeldeng NPA at naging benepisyaryo ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program.

Noong Abril 2021, idineklara ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police ang tuluyang pagkabuwag ng grupong Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol and Siquijor ng NPA.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe