Sunday, November 24, 2024

HomeNewsDating Jail Guard sa Biliran, patay sa pamamaril

Dating Jail Guard sa Biliran, patay sa pamamaril

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang lokal na pulisya ng Leyte hinggil sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek na bumaril sa isang dating jail guard ng Biliran Provincial Jail bandang alas-8:20 ng gabi noong Miyerkules, Abril 12, sa Brgy. Agas, Calubian, Leyte.

Ayon sa awtoridad, kinilala ang biktima na si Emmanuel R. Vicera, 53, may asawa, dating jail guard at kasalukuyang self-employed na nakikibahagi sa maliit na negosyo at residente ng Brgy. Calumpang, Naval, Biliran.

Ayon pa sa imbestigasyon, ang biktima ay nakaupo lamang sa isang single motor nang barilin sa kaliwang noo ito na agad naman niyang ikinamatay.

Nangyari ang pamamaril sa tabi ng barangay covered court habang isinasagawa ang taunang pista sa naturang bayan.

Ayon naman sa Hepe ng Calubian MPS, “Actually, blangko kami sa motibo at sa suspek sa pamamaril na ito, kasi in the first place hindi taga rito ang biktima. Kaya magsasagawa muna ng background check sa biktima para doon na tayo magsimula”.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe