Saturday, November 23, 2024

HomeNewsGrupo ng magsasaka sa Leyte, nakatanggap ng dalawang truck

Grupo ng magsasaka sa Leyte, nakatanggap ng dalawang truck

Itinurn-over ng Department of Agrarian Reform (DAR) nitong Martes ang dalawang truck sa Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Leyte para palawakin ang kanilang negosyo sa pagsasaka.

Ang dalawang 15-foot dropside six-wheelers ay nagkakahalaga ng Php3.99 milyonna pinondohan ng Agrarian Reform Fund (ARF).

Sinabi ni Rodrigo Alumbro, presidente ng Canmarating, Odiongan, Pagsang-an, Sulpa Irrigators Association sa bayan ng Abuyog na naging realidad na ang kanilang pangarap.

“Mas marami na tayong natatanggap na tulong mula sa DAR kaysa sa inaasahan natin. Lubos kaming nagpapasalamat para dito at pangalagaang mabuti ang trak na ito,” sabi ni Alumbro.

Ang isa pang nakatanggap ay ang Barangay Agutayan Farmers Association sa bayan ng Hilongos.

Pormal itong tinurn-over ng DAR – Agrarian Reform Beneficiaries Development Director Ronald Gareza na kinatawan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa pormal na turnover sa DAR regional office dito.

Ibinunyag ni Gareza na ibinalik ng kasalukuyang administrasyon ang ARF upang tustusan ang mga proyektong ito para sa mga agrarian reform beneficiaries.

Para sa 2023 lamang, sinabi ni Gareza, Php7.5 bilyon ang inilaan sa ilalim ng ARF para ipatupad ang proyektong Sustainable and Resilient Agrarian Reform Communities (SuRe ARCs).

Ang dalawang ARBO ay ang mga unang tatanggap ng proyekto ng SuRe ARCs sa rehiyon ng Eastern Visayas.

Ipinaliwanag ni Gareza sa mga tumanggap na ang proyekto ay sadyang ipinapatupad upang matustusan ang mga proyekto para sa mga lugar na may tanim na palay, mais, at niyog.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe