Muling ipagdiriwang ng Local Government Unit ng Minglanilla ang Sugat-Kabanhawan Festival upang ilarawan ang muling pagkabuhay ni Hesukristo sa Linggo ng Pagkabuhay sa Abril 9, 2023.
Inihayag ito ni Minglanilla Mayor Rajiv Enad sa panayam ng media kamakailan.
“Siyempre, ipagdiriwang natin ang Sugat-Kabanhawan sa panahon sa ating Ginoo (sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon), na taunang tradisyon noon pa man ay naaalala ko. Hindi kami makikialam na mag-celebrate at i-match namin ito sa yearly tradition namin ng Kabanhawan Festival din, you know, the dancing,” ayon sa Mayor.
Ang aktibidad ay nasuspinde ng dalawang taon dahil sa coronavirus disease (Covid-19) pandemic.
Ipinagpatuloy ang selebrasyon noong nakaraang taon, ngunit ang bayan ay nagpataw ng limitasyon sa bilang ng mga dumalo upang maiwasan ang pagsisikip, na nagpapahintulot lamang sa mga nakakuha ng mga tiket na inisyu ng Munisipyo na makasaksi sa kaganapan.
Gayunpaman, sinabi ng Alkalde, na ang pagdiriwang sa taong ito ay hindi magiging labis tulad ng sa panahon ng pre-pandemic.
Sa kanya, ang mahalaga ay alalahanin ng mga Minglanillahanon ang Pista ng Banal na Pagkabuhay.
Ang tradisyunal na “sugat” o ang pagsamasama ng muling pagkabuhay ni Kristo at ng Mahal na Birheng Maria ay hudyat ng pagsisimula ng bagong liturgical calendar.
Ang Minglanilla Sugat ay taunang palabas ng “Little Angel” na ginagampanan ng mga bata na animoy bumababa mula sa langit na ginanap sa madaling araw ng Easter Sunday.
Ang Sugat, ay isang religious activity na pangunahing nakabatay sa biblikal na pagsasalaysay ng muling pagkabuhay ni Hesus, sa mga sumunod na taon ay naging kalakip sa kultural na “Kabanhawan Festival,” kaya “Sugat-Kabanhawan Festival.”