Sa pahayag ng Information Officer ng Cebu City Jail Male Dormitory noong Huwebes, Marso 23, 2023, na mayroong mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa loob ng pasilidad.
Ayon kay Jail Officer 3 Blanche Bation Aliño, Jail Information Officer, na ang Department of Health sa Central Visayas (DOH 7) at ang City Social Hygiene Clinic ay naiulat na tumulong sa pagbibigay ng pangangalagang medikal para sa mga HIV-positive convicts.
Ang DOH 7 ay nagsasagawa ng awareness program sa loob ng pasilidad tuwing Biyernes upang turuan ang mga PDL kung paano protektahan ang kanilang sarili mula sa sakit.
Nilinaw ng jail officer na nakuha ng mga PDL ang sakit mula sa labas sa pamamagitan ng oral sex para sa mga bakla o needle injection ng nubain.
“Ang ating mga PDL na may ganitong sakit ay binibigyan ng tamang lunas sa ating pasilidad gayundin sa Department of Health,” paliwanag ni Aliño.
Mahigit 10 sa 6,100 detainees sa Cebu City Jail Male Dormitory ang HIV positive ngunit hindi na-isolate.
Ayon kay Aliño, isinama ang mga HIV-positive inmates sa iba pang bilanggo para maiwasan ang diskriminasyon, ngunit pinayuhan sila, lalo na ang mga bading na huwag makipagtalik sa parehong kasarian.