Thursday, December 26, 2024

HomeNewsEastern Visayas, nalagpasan ang Php9.35-B na tax goal noong 2022

Eastern Visayas, nalagpasan ang Php9.35-B na tax goal noong 2022

Nakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Eastern Visayas ng Php9.35 bilyon noong 2022, na umabot sa target nito para sa taon 2022, at lumampas sa aktwal na kinita noong nakaraang taong 2021, iniulat ng tax agency noong Miyerkules, Marso 15, 2023.

Nalampasan ng Regional Office ng BIR ang Php9.04 billion annual goal na 3.41 percent, mas mataas sa Php7.85 billion revenue na nakolekta sa rehiyon noong 2021.

Sa kabuuang koleksyon noong nakaraang taon, ang Tacloban Revenue District Office (RDO) sa Northern Leyte at lalawigan ng Biliran ay nakakuha ng Php3.64 bilyong nabuong buwis; sinundan ng Ormoc RDO sa Western Leyte sa Php2 bilyon; Calbayog RDO sa Samar na Php1.29 bilyon; Catarman RDO sa Northern Samar, Php830.5 milyon; Borongan RDO sa Eastern Samar, Php796.53 milyon; at Maasin RDO sa Southern Leyte, Php785.05 milyon.

“Naabot natin ang target dahil sa ating partnership sa iba’t ibang stakeholders,” sabi ni BIR Eastern Visayas Region Chief, Nasser Tanggor sa Regional Tax Campaign.

Tanging Tacloban field office lang ang nabigong makamit ang layunin noong nakaraang taon. Ang aktwal na kita ay mas mababa ng Php84.17 milyon o 2.26 porsiyentong mas mababa sa target nito sa loob ng 12 buwan.

“Mayroon silang withholding tax collection na hindi nai-remit noong December 2022 at binayaran noong January 2023. Ito ay makikita sa tax generation ngayong taon,” dagdag ni Tanggor.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe