Saturday, November 23, 2024

HomeNewsPagtataas ng business taxes, tinitingnan sa Cebu City

Pagtataas ng business taxes, tinitingnan sa Cebu City

Sa isang mungkahi, nakaambang ngayon ang posibleng pagtaas ng buwis sa mga negosyo sa Cebu City sa gitna ng nakabinbing pag-apruba ng revised real property tax (RPT) code.

Ang kasalukuyang businesss tax ay hindi na-update mula noong 1990s, sabi ni City Councilor Noel Wenceslao, Chairman ng committee on budget and finance.

Sinabi ni Wenceslao noong Linggo, Marso 12, 2023, na hinihintay ng Sangguniang Panlungsod ang panukala ng executive department sa pamamagitan ng local finance committee (LFC).

Bukod sa pagtataas ng buwis sa negosyo, hinihintay din ng konseho ang muling pagbabalik ng rebisyon ng RPT code matapos tanggihan ni Mayor Michael Rama ang bersyon noong Disyembre 2022.

Ibineto ni Rama ang naaprubahang ordinansa na nagrebisa sa RPT code noong Pebrero 6, dahil hindi nito ipinahayag ang tunay na halaga ng mga ari-arian at pinagkaitan ang Pamahalaang Lungsod ng tamang pagkukunan ng pondo.

Sinabi ni Wenceslao na walang plano ang konseho na i-override ang veto ni Rama, idinagdag na susuriin nito ang rebisyon ng executive department.

Ang batas ay nag-uutos sa mga local government units (LGUs) na i-update ang kanilang RPT tuwing tatlong taon, ngunit ang RPT code ng Lungsod ay hindi pa nababago mula noong 2004.

Gayunpaman, sinabi ni Wenceslao na iba ang kaso para sa buwis sa negosyo dahil nasa LGU kung kailan ito ire-rebisa.

Aniya, may posibilidad na ang bagong revised RPT code ay kasama ng panukalang business tax increase.

Sinabi niya na iminungkahi ng LFC ang pagtaas ng mga buwis sa negosyo noong 2022, ngunit ipinagpaliban ng konseho ang panukala at hindi gumawa ng anumang aksyon.

Ayon kay Wenceslao, ang orihinal na panukala ay itaas ang buwis ng mga retail at wholesale na negosyo sa average na 300 porsyento.

Aniya, kailangan pang magsagawa ng karagdagang pag-aaral at konsultasyon bago magpatupad ng pagtaas dahil malaki ang epekto nito sa lokal na ekonomiya at maaaring makaapekto sa inflation.

Sinabi ni Wenceslao na titiyakin ng konseho na magiging makatwiran ang anumang pagtaas sa buwis sa negosyo.

“Maaaring makaapekto ito sa inflation at maipapasa ito sa mga mamimili. Susuriin namin ito at siguraduhing balanse ito,” saad nito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe