Sunday, November 24, 2024

HomeOrmoc Bay, certified “storyteller” bilang historical mark

Ormoc Bay, certified “storyteller” bilang historical mark

Ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ang Ormoc City government ay naglabas ng isang historical marker noong Miyerkules, March 1, 2023 upang alalahanin ang Labanan sa Ormoc Bay.

Ibinigay ni NHCP Chairperson Rene Escalante ang marker kay Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez, na sinaksihan ng kanyang asawa, Leyte 4th District Representative Richard Gomez, at NHCP Deputy Executive Director Alvin Alcid.

Ang pag-unveil ng marker ay paggunita sa Labanan ng Ormoc Bay sa pagitan ng Allied forces at Japanese forces na naganap mula Oktubre 23 hanggang Disyembre 11, 1944.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Gomez na ang Ormoc Bay ay hindi nalang isang ordinaryong anyong tubig kundi isang “certified storyteller” na nagsasalaysay ng kwento ng pagdurusa, pagkatalo, at tagumpay ng mga Pilipino, mga kwento ng buhay at kamatayan, ng digmaan, kriminalidad, at natural na kalamidad.

“If these waters could speak, she will also tell us the story of hope the inherent value of the people of Ormoc that makes us resilient,” sabi ng alkalde.

Ayon naman kay Escalante, ang marka ng Labanan sa Ormoc ay nagpapakita ng katapangan at kagitingan ng Allied powers na lumaban sa mga puwersa ng Hapon. Kinikilala din nito ang mga gerilya at sibilyang Pilipino na tumulong sa kampanya sa pagpapalaya sa iba’t ibang paraan.

Ang lugar kung saan matatagpuan ang historical marker ay magiging bahagi na ng Philippine Registry of Historic Sites and Structures at ipapasa sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para maisama ito sa Philippine Registry of Cultural Property.

Ang opisyal ng NHC ay nagpahayag din ng pag-asa na ang marker ay maghihikayat at magbibigay ng inspirasyon sa mas maraming lokal na mananalaysay na palawakin ang kanilang kaalaman sa kasaysayan, partikular sa Ormoc at Leyte.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe