Tuesday, November 26, 2024

HomeNewsVictorias City, nakatakdang mabigyan ng 600 housing unit sa ilalim ng Pabahay...

Victorias City, nakatakdang mabigyan ng 600 housing unit sa ilalim ng Pabahay Program ng pamahalaan

Nakatakdang mabigyan ang Lokal na pamahalaan ng Victorias City sa Negros Occidental ng tinatayang nasa 600 na yunit ng pabahay para sa mga informal settler families o ISFs at low-income earners sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng pamahalaan.

Ang naturang proyekto ay itatayo sa 2.5 hectare site sa Barangay XIII ng nasabing lungsod at papangalanang Sidlak Village.

Ang lungsod ng Victorias ang pangalawang LGU sa bansa, kasunod sa Bacolod City, na pumirma sa memorandum of agreement kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ang Pag-IBIG Fund na siyang magpapatupad sa nasabing housing program.

Ayon pa kay Mayor Javier Miguel Benitez, ang proyekto ay nagnanais mabigyan ng kasagutan ang problema sa pabahay sa iba pa nating mga mahihirap na kababayan partikular na ang mga informal settler sa lungsod.

Dagdag pa ni Mayor Benitez, nakadisenyo ang proyekto na condominium-type building kung saan mayroong sampung palapag kada gusali. Hindi pa matukoy ang kabuuang halaga ng nasabing proyekto sa kasalukuyan.

Ang “Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino: Zero Informal Settler Family Program for 2028” ay ang flagship program ng Marcos administration kung saan layunin nitong makapagpatayo ng nasa 6 milyong housing unit sa buong bansa sa loob ng anim na taon hanggang 2028.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe