Friday, November 8, 2024

HomeNewsHFMD outbreak, inaasahang ideklara sa Negros Occidental

HFMD outbreak, inaasahang ideklara sa Negros Occidental

Inaasahang ideklara ng Lokal na pamahalaan ng Negros Occidental ang hand, foot and mouth disease (HFMD) outbreak, matapos itong makapagtala ng 6, 300 percent ng local cases sa buong probinsiya.

Ayon kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, suportado niya ang rekomendasyon ng Provincial Health Office (PHO) na magdeklara ng oubreak sa nasabing karamdaman sa buong lalawigan.
Anya, kung sakaling ideklara ang outbreak, mas paiigtingin pa ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan ang kanilang pag-iingat upang maiwasan ang naturang karamdaman.

Lumalabas sa kanilang surveillance report na mula sa limang kaso ng HFMD ng unang limang linggo noong 2022, umabot ito sa 320 kaso ngayong Pebrero 4, 2023.

Kabilang sa mga lungsod at bayan na may matataas na kaso ang Kabankalan City na may 73 cases mula sa zero case noong 2022 habang nakapagtala naman ang bayan ng Cauayan ng 41.

Ayon kay Dr. Ernell Tumimbang, Provincial Health Officer, kadalasan sa mga apektado ng HFMD ang mga kabataan na may edad sampu pababa.

Dagdag pa niya na ang mga sintomas ng sakit ay pananakit ng bibig at mga rashes sa kamay at paa habang naipapasa naman ito sa pamamagitan ng pagbahing o direct contact sa mismong may karamdaman.

Lubos namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na maging proactive upang maiwasan ang paglaganap sa nasabing karamdaman sa kanilang komunidad.

Maaaring i-isolate agad o magpakonsulta sakaling may mga miyembro ng pamilya na nakitaan ng mga sintomas ng sakit.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe