Pinangasiwaan ng Office of Civil Defense Region 8 ang paghakot at paghahatid ng unang batch ng DSWD family food packs (FFPs) mula sa Ormoc Port sa mga Local Government Units (LGUs) sa lalawigan ng Eastern Samar nitong ika-11 ng Pebrero 2023.
Ang 6,500 FFPs na hiniling ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa kanilang Resource Hub sa Central Visayas at dinala ng BRP Batak (LC-299) ng Philippine Navy.
Ang mga ito ay agad na dinala ng OCD8-rented winged-vans na magsisilbing resource augmentation support para sa munisipyo ng Dolores, Arteche, Borongan City, General MacArthur at Maydolong.
Ito ay naging posible sa matagumpay na pagsasama-sama ng iba’t ibang ahensiya ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 8 (RDRRMC8) sa pamamagitan ng Philippine Ports Authority (PPA), AFP Visayas Command, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP), at ang suporta ng City Government of Ormoc.