Friday, November 8, 2024

HomeNewsPanaad sa Negros, muling magbabalik ngayong Abril

Panaad sa Negros, muling magbabalik ngayong Abril

Muling magbabalik ngayong buwan ng Abril ang Panaad sa Negros Festival, ang siyang tinaguriang festival of all festivals sa lalawigan ng Negros Occidental matapos ang tatlong taong pagkasuspinde nito.

Ayon kay Rayfrando Diaz II, Negros Occidental Provincial Administrator, pormal na ilulunsad ang paghahanda sa Panaad festival nitong darating na Pebrero 13 sa Capitol Lagoon and Park.

Ang Panaad festival ay taunang ipinagdiriwang sa buong lalawigan ng Negros Occidental sa loob ng isang linggo. Ito ay hinango sa salitang Hiligaynon na “panaad” na ang ibig sabihin ay “vow” o “promise”.

Itinatampok sa nasabing festival ang 32 themed pavilions ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan kabilang na ang Bacolod City, kung saan dinisenyo bilang replica sa kani-kanilang municipal at city hall o sa kanilang mga kilalang produkto na makikita sa Panaad Park and Stadium sa Barangay Mansilingan, Bacolod City.

Ngayong taon gaganapin ito mula Abril 17 hanggang Abril 23.

Dagdag pa ni Rayfrando Diaz II na naglaan na ang probinsiya ng Php25 milyon na pondo para sa paghahanda at gagamitin ng selebrasyon.

Kabilang sa mga inaabangan sa nasabing aktibidad ang festival dance competition, Lin-ay sang Negros beauty pageant at ang “Best of Negros Products” trade fair.

Matatandaang noong 2020 kinansela ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental sa pangunguna ni Governor Eugenio Jose Lacson ang 27th Panaad Festival sanhi ng CoVID-19 pandemic

Noong 2017 nakuha ng lalawigan ng Negros Occidental ang Hall of Fame ng Pearl Awards matapos masungkit ng Panaad sa Negros Festival ang Best Tourism Event – Provincial Festival category sa magkakasunod na tatlong taon mula 2014, 2015 at 2016.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe