Friday, November 8, 2024

HomeNewsBFAR, ipinaliwanag ang pagkakaroon ng red tide sa Cancabato Bay ng Tacloban...

BFAR, ipinaliwanag ang pagkakaroon ng red tide sa Cancabato Bay ng Tacloban City

Tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong factors kung bakit nananatili ang red tide toxins sa Cancabato Bay simula noong nakaraang taon.

Sa isang pahayag na inilabas noong Martes, Pebrero 7, 2023, sinabi ng BFAR na ang red tide ay bunsod ng mataas na konsentrasyon ng nutrients; mga pagbabago sa mga kondisyon sa kapaligiran tulad ng temperatura ng tubig, light intensity; o pisikal na konsentrasyon sa lugar dahil sa mga lokal na pattern sa sirkulasyon ng tubig.

Ang mga sustansya ay maaaring maging run-off waste mula sa mga komunidad sa baybayin ng lungsod, ayon sa BFAR.

“Ang water circulation factor ay maaari ding maging sanhi ng patuloy na pagkakaroon ng nakakalason na dinoflagellate sa Cancabato Bay dahil sa mala-cove na istraktura ng lugar,” sabi ng BFAR.

Batay sa mga laboratory examinations na isinagawa ng BFAR regional fisheries laboratory sa lungsod na ito, tumataas ang antas ng saxitoxin sa mga sample ng shellfish na nakolekta sa Cancabato Bay mula noong Nob. 23, 2022.

“Ang mga sample ng shellfish meat na sinuri ay lampas na sa regulatory limit na 60 microgram ng saxitoxin bawat 100 gramo ng shellfish meat gamit ang screening test,” dagdag ng BFAR.

Noong Enero 25, 2023, idineklara ng pangunahing tanggapan ng BFAR na positibo sa red tide ang Cancabato Bay at nagpataw ng shellfish ban na makikita sa National Bulletin No. 2 Series of 2023 at National Shellfish Advisory 6 batay sa confirmatory analysis na isinagawa ng National Fisheries Laboratory Division.

“Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang pangangalap, pagtitinda, at pagkain ng lahat ng uri ng shellfishes at Acetes o mas kilalang ‘alamang’ or ‘hipon’ mula sa baybay na ito,” dagdag ng BFAR.

Ang Cancabato Bay ay isang mayamang pinagmumulan ng cockle clams na ipinapadala sa Taiwan at Hong Kong.

Ang mga isda, pusit, alimango, at hipon na nakolekta mula sa mga lugar na ito ay ligtas na kainin basta’t ang lahat ng mga lamang-loob ay aalisin at ang mga produktong dagat ay hugasan ng maigi sa umaagos na tubig bago lutuin.

Hiniling ng BFAR sa mga local government units na pataasin ang kanilang pagbabantay laban sa pangangalap, pangangalakal, at pagkonsumo ng shellfish upang maiwasan ang insidente ng paralytic shellfish poisoning (PSP), na maaaring mangyari ilang minuto matapos makain ang bivalve shellfish (tulad ng mussels, oysters, at clams) na naglalaman ng red tide toxins.

Ang mga unang sintomas ng PSP ay kinabibilangan ng panginginig ng mga labi at dila, maaaring lumala pag nanginig na ang mga daliri at paa at pagkatapos ay pagkawala ng kontrol sa mga braso at binti, na sinusundan ng kahirapan sa paghinga.

Ang red tide ay isang terminong ginamit upang ilarawan ang isang phenomenon kung saan ang tubig ay nagiging kupas dahil sa mataas na algal biomass o mataas na konsentrasyon ng algae.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe