Sunday, November 24, 2024

HomePoliticsFormer Rebel News10 dating rebelde, tatanggap ng P65K na benepisyo ng E-CLIP

10 dating rebelde, tatanggap ng P65K na benepisyo ng E-CLIP

Sampung dating rebelde ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na sumuko sa mga awtoridad sa lalawigan ng Negros Oriental ang makakatanggap ng tulong pinansyal na tig-Php65,000 sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration (E-CLIP) Program ng pamahalaan.

Ayon kay Provincial Director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Negros Oriental, Farah Diba Gentuya, nasunod ng mga dating rebelde ang lahat ng mga kinakailangan at ang monetary aid para sa kanila ay handa na para sa pag-download.

“Sa kabuuang halaga, ang Php15,000 ay para sa agarang tulong na pera habang ang PHP50,000 ay para sa tulong pangkabuhayan”, wika ni Gentuya noong Lunes.

“Ang agarang tulong na pera ay hindi mailalabas kaagad pagkatapos ng pagsuko ng isang dating rebelde dahil ang taong iyon ay kailangan pang dumaan sa isang proseso ng pagpapatunay at kinakailangan na sumunod sa ilang mga kinakailangan sa dokumentaryo,” aniya.

Ang 10 benepisyaryo ng E-CLIP ay hiwalay na sumuko sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines sa Negros Oriental sa pagitan ng 2020 at 2021, bagama’t ang kanilang pagkakakilanlan ay pinigil para sa seguridad.

Bukod sa Php65,000 na tulong, ang bawat kwalipikado na mga dating rebelde ay makakatanggap din ng Php21,000 na re-integration na tulong na ipagkakaloob sa tatanggap na yunit, tulad ng Philippine Army o Philippine National Police, na siyang magpapadali sa mga benepisyaryo uoang makabalik at maipagpatuloy ang kanilang normal na buhay, saad pa ng opisyal ng DILG.

Sa pahayag naman nu Brig. Gen. Leonardo Peña, Commander ng Army’s 302nd Infantry Brigade na nakabase sa Tanjay City, Negros Oriental, karaniwan nilang sinasagot ang mga gastusin ng mga dating rebelde habang hinihintay ang pagpapalabas ng re-integration assistance.

Natapos na ng brigada ang pagtatayo ng isang halfway house para sa mga sumuko, na pinondohan ng pamahalaang panlalawigan, at naghihintay ng pormal na turnover nito, kasama ang pagtatalaga ng mga manggagawa ng gobyerno na patakbuhin ang pasilidad, aniya.

Kamakailan ay idinaos ang isang E-CLIP audit upang suriin ang mga solusyon upang mapabilis ang dokumentasyon at pagpapalabas ng mga benepisyo at makatulong na mapabuti ang ilang proseso, dahil karaniwang tumatagal ng isang taon o mas matagal pa para makumpleto ang lahat ng kinakailangan dahil sa iba’t ibang dahilan, sabi ni Gentuya.

Kabilang dito ang sertipikasyon mula sa Joint AFP-PNP Intelligence Committee (JAPIC), ang kawalan ng birth certificates, valid identification, at iba pang kredensyal, bukod sa iba pa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe