Pinakawalan ang nasa 45 na batang pawikan o sea turtle na narescue ng mga tauhan ng Bantay Dagat sa Poblacion Beach sa Sipalay City, Negros Occidental nito lamang Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Bantay Dagat coordinator Edsel Toledo, natagpuan nila ang mga itlog ng pawikan noong nakaraang Nobyembre, inalagaan lamang nila ito hanggang sa isa-isa na itong mapisa.
Dagdag pa ni Toledo na pangatlong pagkakataon na ito sa lungsod na magpakawala ng mga bagong pisang pawikan ngayong taon, matapos ang dalawang magkakahiwalay na grupo ng mga pawikan ang napabalik sa kanilang natural habitat noong Enero.
Matatandaang noong Enero 10, naiulat ng lokal na pamahalaan na mayroong 82 baby turtles ang ligtas na pinakawalan sa dalampasigan mula sa local conservation area sa Barangay 5 ng nasabing lungsod.
Sa parehong araw, mayroon ding iba pang 27 baby turtles ang pinakawalan sa Barangay Nauhang matapos itong maturn-over sa Bantay Dagat.
Ayon naman sa city government na pinamunuan ni Mayor Maria Gina Lizares, ang naturang pagrescue ay bunga ng mas pinaigting na local marine conservation efforts ng buong lungsod upang mapangalagaan ang lahat ng mga marine species sa lugar.
“We are encouraging the locals to participate in our conservation efforts not only in marine lives but also in our forests areas and other natural resources,” dagdag pa nila.