Saturday, November 23, 2024

HomeNews19 LGUs sa Cebu, nagsuspinde ng klase dahil sa masamang lagay ng...

19 LGUs sa Cebu, nagsuspinde ng klase dahil sa masamang lagay ng panahon

Hindi bababa sa 19 na Local Government Units (LGUs) sa Cebu ang nagdeklara ng suspensiyon ng klase nitong Miyerkules, Pebrero 1, 2023, dahil sa masamang panahon, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Kabilang sa mga LGU ang Cordova, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Consolacion, Talisay City, Minglanilla, Naga City, San Fernando, Carcar City, Aloguinsan, Toledo City, Pinamungajan, Balamban, Asturias, Tuburan at Argao.

Inalerto ng PDRRMO ang lahat ng local disaster units na bantayan ang kanilang paligid para sa posibleng pagguho ng lupa at pagbaha.

Nagpadala na rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng weather advisory sa pamamagitan ng text messages nitong Miyerkules, na ang Cebu ay nasailalim ng orange rainfall alert at nagbabala sa malakas na pag-ulan, baha at pagguho ng lupa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe