Sunday, November 24, 2024

HomeNewsCrowd limit, inaasahang ipapatupad sa upland tourist site sa Binalbagan NegOcc

Crowd limit, inaasahang ipapatupad sa upland tourist site sa Binalbagan NegOcc

Inaasahang magkakaroon ng crowd limit sa sikat ngayon at trending na upland tourist spot sa bayan ng Binalbagan sa Negros Occidental, iyan ay ayon sa lokal na pamahalaan ng Binalbagan.

Alinsunod sa Executive Order No. 5, series of 2023 na pinirmahan ni Mayor Alejandro Mirasol, magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng limitasyon sa bilang ng mga turistang pwedeng pumunta sa bahagi ng Mount Hermit sa Barangay Bi-ao ng nasabing bayan.

Dagdag pa ni Mayor Mirasol na paiigtingin din nila ang kalinisan sa lugar sapagkat mayroon daw mangilan-ngilan na mga turista ang nagtatapon ng basura kahit saan at nabalitaan din nilang mayroong ibang hindi lehitimong nangungulekta ng entrance fee mula sa mga bisita.

Simula noong nakaraang Biyernes, lahat ng turista at bisita na pupunta sa Mt. Hermit at Trese sa Sitio Bulwang, Barangay Biao, ay maaari lamang magparehistro sa Municipal Tourism Office, isang araw bago ang kanilang pagpunta.

Samantala, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na libre ang registration fee habang pwede naman magparehistro sa face-to-face transaction o online sa pamamagitan ng QR (Quick Response) code o sa website link sa official Facebook page ng lokal na pamahalaan simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Inabisohan din ng lokal na pamahalaan ang publiko na 300 turista lamang ang papayagang bumisita sa Mt. Hermit at Trese sa magkasabay na mga oras, hihintayin lamang ang mga ito para sa susunod naman na mga bakasyonista.

“This is to regulate the number of visitors and to ensure the safety of the visitors. We encourage everyone to abide with the rules and guidelines ordered by the LGU and the barangay especially with regards to garbage,” dagdag pa ni Mirasol.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe