Thursday, November 14, 2024

HomeNewsDialysis center sa Carcar at Danao, malapit nang buksan

Dialysis center sa Carcar at Danao, malapit nang buksan

Dalawang dialysis centers sa mga provincial hospital sa lungsod ng Carcar at Danao ay inaasahang magiging operational na sa Marso nitong taon.

Sa presentasyon ng Medtronix Medical Supplies and Equipment sa Economic Enterprise Council ng Cebu Provincial Government noong Biyernes, Enero 27, 2023, inihayag ng kumpanya na ang pagtatayo ng mga dialysis center ay inaasahang matatapos sa loob ng dalawang buwan.

Noong nakaraang Disyembre, nilagdaan ni Gov. Gwendolyn Garcia ang isang kasunduan sa Medtronix na maglagay ng dialysis center sa dalawang ospital na pinamamahalaan ng probinsiya.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang Medtronix ng direct feed reverse osmosis machine, water pre-treatment system, 15 regular na hemodialysis machine, 15 recliner chairs at dalawang medical technician sa bawat center.

Ang dalawang dialysis centers ay makadagdag sa kasalukuyang dialysis facility sa Balamban Provincial Hospital sa midwest Cebu, na mayroong 10 hemodialysis units.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe