Saturday, December 28, 2024

HomeNewsDinagyang Festival 2023 sa Iloilo City, natapos ng mapayapa

Dinagyang Festival 2023 sa Iloilo City, natapos ng mapayapa

Sa isang linggong pagdiriwang ng Dinagyang Festival 2023 sa Iloilo City ay ay pormal na natapos noong Enero 22 na walang naitalang malaking insidente ayon sa datos at record ng Police Regional Office 6.

Ayon kay Police Brigadier General Leo M Francisco, PRO6 Regional Director,
“Nakamit ang zero major crime incidents at nabawasan ang bilang ng street crimes”.

Dagdag pa, ang pagpapatibay ng Major Event Security Framework (MESF) at Whole-of-Government approach, pagsasagawa ng mga mandatory activities at pagpapatupad ng mga best practices ay nakatulong upang maiwasan ang mga paglitaw ng mga major crimes at mga insidente na kinasasangkutan ng mga bisita at VIP, gayundin ang pagbawas ng mga insidente sa 8 Focus Crimes sa loob ng festival zone.

Mula January 13 hanggang January 22, 2023, ay mayroon lamang isang naitalang isang Physical Injury ang kumpara sa tatlong (3) insidente noong taong 2020.

Iniuugnay din ni PBGen Francisco ang matagumpay na pagbibigay seguridad ng Dinagyang Festival 2023 sa malawakang operasyong panseguridad, pag-deploy ng libu-libong tauhan ng pulisya, iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas at mga, Peace keeping Volunteers at sa pinaigting na pagsasagawa ng police visibility/security patrol sa mga daungan, terminal at iba pang lugar na sakop ng naturang Fiesta.

Lubos din ang pasasalamat ng Ama ng Police Regional Office 6 na si PBGen Francisco sa buong kapulisan ng PRO6, partner Agencies, Force Multipliers at sa mga Stakeholders lalo na ang komunidad sa kooperasyon, pag-iintindi at suporta sa naturang pagdiriwang.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe