Thursday, November 28, 2024

HomeNews35K new voters, naitala ng COMELEC sa Negros Occidental

35K new voters, naitala ng COMELEC sa Negros Occidental

Nakapagtala ng higit 35,000 indibidwal ang Commission on Elections sa probinsya ng Negros Occidental, matapos nitong buksan ang aplikasyon para sa darating na October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Ayon kay Ian Lee Ananoria, Provincial Election Supervisor, nagsimula ang registration noong December 12 ng nakaraang taon at nakatakdang matapos sa darating na Enero 31, 2023.

Dagdag pa ni Ananoria na ang 35,801 na nagparehistrong mga indibidwal ngayong taon ay mas mababa lang kumpara sa mga nakaraang Comelec registration.

Samantala, patuloy namang hinikayat ng Comelec ang lahat ng kwalipikadong mga residente na magpa-rehistro na sa kanilang mga opisina habang mayroon pang pagkakataon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe