Friday, November 22, 2024

HomeNewsFluvial parade at foot procession, isinagawa ng mga Ilonggo bilang pasasalamat kay...

Fluvial parade at foot procession, isinagawa ng mga Ilonggo bilang pasasalamat kay Sto. Niño

Iloilo City- Nakiisa ang mga Ilonggo sa isinagawang Fluvial parade at foot procession bilang pasasalamat kay Señor Sto. Niño matapos ang dalawang taong pagkahinto nito dulot ng CoVID-19 pandemic.

Ayon kay Maria Flor Muralla ng Cofradia De San Jose, ang naturang fluvial parade at foot procession ay isang patotoo ng matibay na paniniwala kay Sto. Niño.

Ang nasabing fluvial procession ay may dalawang dragon boat teams na nagsilbing mga marshal, iyan ang M/V Romblon ng Philippine Coast Guard na siyang may dala kay Sto. Niño bilang mother boat na sinundan naman ng walong fiberglass boats na may kabuuang sakay na 400 devotees.

Nagsimula ang fluvial procession sa Iloilo Strait sa harap ng gusali ng National Bureau of Investigation, patungong Iloilo River hanggang Muelle Loney area at lumabas sa Iloilo Freedom Grandstand.

Nasa 15 “caro” naman na may dala-dalang mga imahe ni Sto. Niño at iba pang mga Catholic saints ang sumalubong sa mga nakibahagi sa fluvial procession, na siyang nagbigay hudyat sa pagsisimula ng foot procession.

Nagsimula ang foot procession sa Muelle Loney hanggang San Jose Parish Church para sa 5:15 p.m. mass na sinundan naman ng blessings ng mga Sto. Niño images.

Samantala ayon naman sa City Disaster Risk Reduction Management Office operations center, tinatayang nasa 3,500 katao ang nakiisa sa nasabing procession.

Dagdag pa ni Muralla na ang naturang fluvial procession ay pagsasadula at pagsasabuhay kung paano dumating ang imahe ni Sto. Niño sa bansa gamit ang mga barko daan-daang taon na ang nakalipas.

Kasalukuyang nasa San Jose Parish Church ang 55-year-old at itinuturing na pinakamatandang replica ng orihinal na imahe ng Sto. Niño sa Cebu.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe