Saturday, November 23, 2024

HomeRebel NewsMga armas ng NPA, nakumpiska sa encounter sa Vallehermoso NegOr

Mga armas ng NPA, nakumpiska sa encounter sa Vallehermoso NegOr

Nakumpiska ang iba’t ibang armas ng rebeldeng grupo na CPP NPA, matapos magsagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa boundary ng
Canlaon City, Vallehermoso, at Guihulngan City sa Sitio Cambawgon, Brgy Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental nitong Enero 15, 2023.

Nangyari lamang ang combat operation ng mga sundalo laban sa rebeldeng grupo matapos pinatay ng grupo si Cerilo Barba Balasabas, Councilor ng Brgy. Guba, Vallehermoso, Negros Oriental nitong Enero 14, 2023.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa nasabing lugar na nauwi sa limang minutong engkwentro sa pagitan ng apat na miyembro ng mga NPA at mga sundalo.

Kabilang sa mga nakumpiska sa encounter site ang isang .45 caliber pistol at isang magazine na may anim na serviceable ammunition. Agad namang tumakas ang mga rebelde sa hilagang bahagi ng nasabing lugar.

Nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay si LTC William C Pesase Jr, Commanding Officer, 62IB sa mga naiwang pamilya ni Councilor Cerilo Balasabas. Habang hinimok din niya ang lahat ng mga residente na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mas mapadali pa ang pagkamit ng hustisya para kay Councilor Balasabas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe