Friday, November 22, 2024

HomeKandidata ng Sibonga na si Kefaiah Al-zair, kinoronahang Miss Cebu 2023

Kandidata ng Sibonga na si Kefaiah Al-zair, kinoronahang Miss Cebu 2023

Matapos ang paligsahan ng ganda at kultura, itinanghal bilang Miss Cebu 2023 ang naging kinatawan ng Sibonga na si Kefaiah Al-zair sa coronation night noong Miyerkules, Enero 11, 2023 sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino.

Napataob ni Al-zair mula sa patimpalak ang nasa 11 na iba pang dilag na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Cebu.

Bukod sa pagkapanalo ng korona, nanalo rin si Al-zair ng Best in Evening Gown at Hinablon Dress; Miss Oro Galleria at Miss Pagcor Charity.

Kasama sa entablado ni Al-zair sina Patricia Gail Deuñas (first runner-up), Corinthia Marie Empe (second runner-up), Chynna Julienne Dorado (third runner-up), at Niña Danielle Illustrisimo (fourth runner-up).

Samantala, nang tanungin kung ano ang nag-iisang pinakamahalagang asset ng turismo ng Cebu City at kung paano ito magagamit para isulong ang lungsod, binigyang-diin ni Al-zair, habang tinutulungan ng mga Cebuano na panatilihin ang pag-angat ng industriya ng turismo.

“Cebu City is home to endless possibilities… it is the people who are the highlight of Cebu because they are the foundation of Cebu’s tourism industry. Imbued with gratification and happiness is who we are as [Cebuanos]. This is the foundation of Cebu: The Cebuanos,” saad ni Al-zair.

Nakuha ni Al-zair ang P100,000 cash mula sa Cebu City Tourism Commission, P50,000 na halaga ng alahas mula sa Oro Galleria at P50,000 halaga ng skin services mula sa Skin 911, bukod pa isa iba pang mga gantimpala na kanyang natanggap.

Ang Miss Cebu 2023 Coronation Night ay pinangunahan nina Miss Earth 2008 Karla Paula Henry-Amman at award-winning actor-producer na si Nico Locco.

Tinuturing naman na ang patimpalak “Miss Cebu” ay ang pinakamatagal na beauty pageant sa isla. Matapos ang anim na taong pahinga, bumalik ang pageant ngayong taon kasunod ng tagumpay ng Miss Cebu Quincentennial noong 2022.

Kasabay ng muling pagdaraos ng Sinulog Festival 2023, isa ito sa mga pangunahing kaganapan na nagpapakita para sa pagmamahal ng Cebu sa glamour at representasyon ng isang modernong Pilipina.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe