Friday, November 22, 2024

HomeNational NewsPinuno ng NPA, patay sa sagupaan sa Negros Oriental

Pinuno ng NPA, patay sa sagupaan sa Negros Oriental

Isang lider ng NPA ang napatay sa sagupaan sa pagitan ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army at ilang rebeldeng NPA sa Guihulngan City.

Kinilala ang napatay na pinuno na si Orlando Fhat sa naganap na insidente sa Sitio Banderahan, Brgy Trinidad noong Martes Enero 10, 2023 bandang alas-7 ng umaga.

Sa isang press release, nakasagupa ng mga miyembro ng Philippine Army na nakabase sa lugar ang isang hiwa-hiwalay na armadong grupo.

Isang putukan ang naganap at tumagal ng humigit-kumulang limang (5) minuto pagkatapos ay tumakbo ang kalaban sa iba’t ibang direksyon na nag-iwan ng isang patay na kasamahan sa engkwentro.

Narekober ng tropa ang ilang kagamitang pangdigma kabilang ang isang kalibre .45 na pistol na may dalawang (2) magazine at mga live ammunation. Isang 40mm grenade launcher, walang laman na M16 magazine, ilang personal na gamit, at mga subersibong dokumento.

Si Fhat ay isang political instructor sa Central Negros kabilang ang Cebu, Bohol at Siquijor. Siya rin ang kumander ng NPA Front na kumikilos sa hangganan ng Negros Oriental at Occidental.

Wala namang naiulat na nasugatan sa hanay ng pamahalaan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe