Saturday, October 5, 2024

HomeNational News25 pamilya, inilikas sa Calbayog City bunsod ng pagbaha; pasok sa lahat...

25 pamilya, inilikas sa Calbayog City bunsod ng pagbaha; pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa lungsod, suspendido pa rin

Inilikas ang dalawampu’t limang pamilya bunsod ng pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan sa Brgy. Tarabucan sa Calbayog City nitong gabi ng Enero 10, 2023.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa evacuation center ng Our Lady of the Most Holy Parish at pinagkalooban ng mga kaukulang tulong ng lokal na pamahalaan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Calbayog City Mayor Raymund Uy, at mga City Officials kina Fr. Vince Allan Davantes, Barangay Chairman Pedro Coquilla, barangay councils at kay City Councilor Rhena tafalla, sa kanilang agarang tulong na ibinigay sa mga inilikas na pamilya.

Binisita rin nina Mayor Uy, Vice mayor Rex Daguman, at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang evacuation center upang alamin ang kalagayan ng mga apektadong pamilya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe