Sunday, October 6, 2024

HomeNewsLalaki, arestado sa buy-bust operation sa Calbayog City

Lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Calbayog City

Arestado ang isang drug personality matapos ang matagumpay na operasyon laban sa iligal na droga ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa Brgy. Central, Calbayog City nitong Enero 6, 2023.

Sa ulat ng mga awtoridad, ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Unit at PIU-Samar Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Calbayog City Police Station at RID PRO8.

Kinilala ang nadakip na si Eriberto Salurio alyas “Bombom”, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Manggagawa, Calbayog City.

Nakuha sa suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu, at ang bawat sachet ay may street value na isang libo (Php1,000), buy-bust money na limang daang piso (Php500.00), isang lighter at isang plastik na may residue ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe