Thursday, December 26, 2024

HomeNewsBacolod City, magbibigay ng pension sa mga senior citizen simula ngayong taon

Bacolod City, magbibigay ng pension sa mga senior citizen simula ngayong taon

Simula ngayong taon, magbibigay na ang Lokal na pamahalaan ng Bacolod City ng social pension para sa mga kwalipikadong senior citizen. Ito ay alinsunod sa city ordinance na na-aprubahan noong Oktubre nang nakaraang taon.

Nakasaad sa naturang ordinansa na makakatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng financial assistance na nagkakahalaga ng Php500.00 kada buwan o nasa kabuuang Php6,000.00 kada taon.

Kinakailangan lamang ng mga aplikante na magpresenta ng proof of identity, residence, status at indigency.

Ayon pa ni Mayor Alfredo Abelardo Benitez, ito ang pinakaunang beses na magbibigay ang lokal na pamahalaan ng pension sa mahigit 12, 000 mga senior citizen.

Kabilang sa mga makakatanggap ng nasabing financial assistance ang mga senior citizen na hindi pa nakakatanggap ng anumang uri ng contributory pension, kasama na rin ang mga indibidwal na nakakatanggap ng hindi hihigit sa Php5,000 na buwanang pension mula sa Government Service Insurance System, Philippine Veterans Affairs Office, Social Security System at ng Department of Social Welfare and Development.

Matatawag lamang na indigent ang isang senior citizen kung siya ay walang permanenteng pagkakakitaan, sahod, o financial assistance mula sa mga kaanak nito upang masupurtahan ang kanyang mga pangunahing pangangailangan. Ngunit dapat kinakailangang ang mga ito ay rehistradong botante at residente ng lungsod ng hindi bababa sa isang taon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe