Friday, September 27, 2024

HomeNews2 patay, 7 sugatan sa aksidente sa Tacloban City nitong bagong taon

2 patay, 7 sugatan sa aksidente sa Tacloban City nitong bagong taon

Nasawi ang dalawang babae habang sugatan naman ang pitung iba pa matapos araruhin ng truck ang mga bahay sa Brgy. 110 Utap, bypass road, Tacloban City pasado alas 5:00 linggo ng hapon, January 1, 2023.

Sa Facebook post ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, nakasaad na nag-overshoot umano sa kalye ang truck dahilan para salpukin nito ng isang bahay.

Nakita ng mga saksi na tila nagkakarera ang dalawang truck sa bahagi ng bypass road dahilan nang aksidente.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Tacloban City PNP maging si Mayor Alfred Romualdez para saklolohan ang mga nasangkot sa aksidente.

Ang pitong nasugatan ay kasalukuyang ginagamot sa Eastern Visayas Medical Center, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng driver ng sangkot na trak na tumakas matapos ang aksidente.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe