Sinimulan na ng Northern Samar provincial government nitong Huwebes, Disyembre 22, 2022 ang pagbibigay ng Php20,000 Service Recognition Incentive (SRI) sa 1,433 manggagawa.
Sinabi ni John Allen Berbon, Northern Samar provincial information officer, na inaprubahan ni Gobernador Edwin Ongchuan at ng provincial board ang pamimigay noong Miyerkules.
“The Sangguniang Panlalawigan (SP) of the province of Northern Samar convened in a special session, to pass an ordinance authorizing the grant of SRI to qualified employees of the provincial government. Under Administrative Order (AO) No. 1, the grant of one-time SRI will depend on the local government unit’s financial capability, as determined by the SP”, dagdag ni Berbon.
Ang local finance committee ay nag-certify sa pagkakaroon ng pondo mula sa salary savings, katumbas ng maximum na halaga ng SRI, na Php20,000.
Sa AO No.1, ang may karapatang tumanggap ng SRI ay mga regular at kaswal na empleyado.
Sa unang bahagi ng buwang ito, nagbigay din ang Pamahalaang Panlalawigan ng productivity enhancement incentive sa mga regular na empleyado nito.
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas SRI sa mga kwalipikadong manggagawa ng gobyerno bago ang pagdiriwang ng kapaskuhan.
Ayon sa rekomendasyon ng Department of Budget and Management, ang SRI ay ilalabas sa pare-parehong halaga na hindi lalampas sa Php20,000 para sa bawat kwalipikadong tauhan ng gobyerno.
Ang SRI ay naglalayong patuloy na magbigay ng insentibo sa mga empleyado ng gobyerno para sa kanilang hindi natitinag na pangako at dedikasyon sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad tungo sa kalidad at tumutugon na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko sa gitna ng pandemya ng Covid-19 at kasalukuyang mga hamon sa socioeconomic.