Sunday, November 24, 2024

HomeNewsNPA-free area sa Central Negros, nakatanggap ng Christmas package

NPA-free area sa Central Negros, nakatanggap ng Christmas package

Himamaylan City, Negros Occidental –Nakatanggap ng mga Christmas package ang mga residente sa Sitio Madaja, Barangay Buenavista sa Himamaylan City, Negros Occidental sa isinagawang gift- giving activity na pinangunahan ng 303rd Infantry Brigade, Philippine Army kamakailan lamang.

Ang naturang sitio ay kamakailan lamang ideneklarang insurgency free at siyang napili upang maging benepisyaryo sa proyektong inilunsad ng ating mga kasunadaluhan.

Ayon kay Brig. Gen. Inocencio Pasaporte, na kasama ng iba’t ibang mga stakeholder, patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga Negrense lalo na sa mga malalayong barangay.

Ang proyekto ay tinaguriang Bayanihan sa Kapaskuhan, kung saan tinatayang nasa 45 residente ang nakatanggap ng reading glasses habang 100 naman ka indibidwal ang nakatanggap ng mga hygiene kit.

Namahagi rin ang grupo ng 105 “noche buena” packs para sa mga maswerteng benepisyaryo habang nasa 153 kabataan naman ang nakatanggap ng sari-saring laruan, at mga pagkain.

“All the Army units under the Brigade have partnered with the local government units, stakeholders and volunteers to bring the basic services to them,” dagdag pa ni Pasaporte.

Kabilang sa mga tumulong at nagsponsor sa naturang proyekto ang Association of Negros Producers (ANP), Hope Builders Organization-Negros Island Inc., Radyo Muscovado of the Central Philippines State University, Negros Mountaineers Club Inc., Metro Bacolod Chamber of Commerce and Industry, at ang Mambukal ELPSO Eagles Club.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe