Friday, December 27, 2024

HomeNews10,000 kabahayan na naapektuhan nang bagyong ‘Odette’ ang hindi pa nakakatanggap ng...

10,000 kabahayan na naapektuhan nang bagyong ‘Odette’ ang hindi pa nakakatanggap ng tulong pinasyal

Matapos ang isang taon na pananalasa ng Bagyong Odette, mahigit 10,000 kabahayan sa Cebu City ang hindi pa nakakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod.

Gayunpaman, tiniyak ni Dr. Ester Concha, pinuno ng Department of Social Welfare and Services (DSWS), sa mga benepisyaryo na ang kanilang P5,000 cash aid ay ibibigay sa kanila bago matapos ang taon.

Sa pahayag ni Concha noong Huwebes, Disyembre 15, 2022, sinabi nito na na ang Pamahalaang Lungsod ay naglaan na ng P30 milyon kasama ang isa pang P22 milyon mula sa Department of Social Welfare and Development para sa tulong pinansyal.

Ang P52 milyon ay hahatiin sa P5,000 kada sambahayan, na siyang ipapaabot sa mga benepisyaryo na umabot sa humigit-kumulang 10,400 kabahayan.

Paliwanag ni Concha, naantala ang pamamahagi ng ayuda dahil sa isinagawang evaluation process ng kanilang tanggapan upang matiyak na lahat ng benepisyaryo ay kwalipikadong makatanggap ng tulong pinansyal.

Sa kabuuan, nakapagbigay na ang Pamahalaang Lungsod ng mahigit P500 milyong halaga ng cash aid sa mga apektadong residente, aniya.

Gayunman, aminado si Concha na ang halagang ito ay hindi sapat upang matugunan ang lahat ng populasyon ng lungsod kung kaya’t inuna ng Pamahalaang Lungsod ang mga talagang nangangailangan.

“Ang mahigit P500 milyon na inilaan ng Cebu City government ay hindi talaga kayang tumanggap ng isang milyong residente, kaya’t unahin natin ang mga talagang nangangailangan ng tulong,” ani Concha.

Nitong Hunyo, naiulat na ilang residente ang nagulat nang makita ang mga namatay na indibidwal sa listahan ng mga benepisyaryo para sa tulong pinansyal.

Sinabi ni Concha na ang ilang mga indibidwal na natagpuang hindi karapat-dapat na tumanggap ng tulong ay inalis sa listahan.

Sa limitadong lakas ng tao, ang DSWS ay kailangang humingi ng tulong mula sa iba pang tanggapan ng City Hall, na kalaunan ay humantong sa kalituhan sa listahan ng mga apektadong indibidwal, paliwanag niya.

Sinabi ni Concha na ang mga tao ay nahirapan at desperado na makakuha ng tulong pagkatapos ng bagyo, na nagresulta sa dobleng pagpasok ng mga pangalan sa listahan.

“Last Dec. 16 (2021), lahat naapektuhan. Bisan kita naglibog ta asa atong unahon (Kahit kami ay nalilito kung ano ang unang gagawin) dahil lahat (lahat) ay talagang apektado, pisikal man o emosyonal. Apektado gyud ta tanan,” ani Concha.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe