Maagang nagdiwang ng Pasko ang ilan sa mga dating rebelde matapos ang matagumpay na Christmas Party at Family Day na inorganisa ng 43rd Infantry “We Search” Battalion, Philippine Army noong Miyerkules, Disyembre 7, 2022 sa Brgy. Magsaysay ha Bungto han Lope De Vega, Northern Samar.
Masayang ipinamahagi ang 300 food packs, 150 pares ng tsinelas, used clothes, 60 printed shirts at mga damit na bigay sa kanila ng tropa ng gobyerno.
Bukod dito, mayroong Php60,000.00 cash na naipamahagi at papremyo sa mga nanalo sa raffle bonanza na binubuo ng mga donasyon mula sa iba’t ibang stakeholders.
Lubos ang pasasalamat ng mga dating rebelde at kanilang pamilya sa pagkakataong mabigyan sila ng ganitong pagdiriwang mula sa kanilang mga donor.
Kasabay nito, patuloy nilang hinihimok ang kanilang mga dating kamag-anak at kasama na sumuko at samantalahin ang pagkakataong ibinigay sa kanila ng gobyerno upang baguhin ang kanilang buhay at makasama sila ng kani-kanilang pamilya.
Sa isang mensahe, ipinaabot ni Lieutenant Colonel Manuel B Degay Jr, ang Commanding Officer ng 43IB, ang kanyang pasasalamat sa mga taong naging instrumento sa naturang kabayanihan.
Maraming programa, tao at organisasyon ng gobyerno na handang tumulong sa mga katulad nila na handang magbago ng buhay.