Thursday, December 26, 2024

HomeNewsSamar Tourism Information at Pasalubong Center, pinasinayaan

Samar Tourism Information at Pasalubong Center, pinasinayaan

Matagumpay na pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Samar ang Spark Samar Tourism Information at Pasalubong Center sa Brgy. San Juan, Sta. Rita, Samar.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina Sen. Imee Marcos, kasama si Sta. Rita Mayor Jade Kei Tiu, Department of Social Welfare and Development Regional Director Grace Subong, Department of Trade and Industry Samar Provincial Director Engr, Meilou Macabare, at Department of Education Samar Schools Division Superintendent Carmela Tamayo.

Noong 2021, si Cong. Sharee Ann Tan, Samar 2nd District Representative ay naglaan ng Php30 milyong piso para sa access road at sa pagtatayo ng gusali, alinsunod sa Spark San Juanico Project. Ang daan ay konektado sa malapit nang itayo na viewing deck, na magbibigay ng magandang tanawin sa San Juanico Bridge Lights and Sounds Show.

Ang Spark Samar Tourism Information at Pasalubong Center naman ay maglalaman ng iba’t ibang produkto ng Samar. Kabilang dito ang mga produktong Lara-Banig, at ang mga delicacy ng probinsya na gawa ng mga miyembro ng Association of Samar Producers.

Makikipagtulungan ang DTI sa Pasalubong Center kung saan dinadala nito ang programang One Town One Product (OTOP). Sa pamamagitan ng OTOP, itinataguyod ng mga bayan ang kanilang “pride-of-place” na mga produkto, at ibinebenta ito sa sentro, sa patnubay ng DTI at ng lalawigan.

Ang sentro ay ang pinakabagong gateway sa turismo ng Samar na nag-aalok ng impormasyon sa mga lugar ng turista, masasarap na pagkain, at mga lokal na produkto ng lalawigan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe