Friday, January 24, 2025

HomeNewsKampanya laban sa basura ng Cebu City, papalakasin sa tulong ng mga...

Kampanya laban sa basura ng Cebu City, papalakasin sa tulong ng mga vlogers at influencers

Tinitingnan ng Pamahalaan ng Cebu CIty ang posibilidad na pag-tap sa mga vlogger o social media influencers para palakasin ang kampanya nito sa pagsusulong ng wastong pagtatapon at pag-recycle ng basura.

Ayon kay Engr. Reymarr Hijara, Executive Director ng Solid Waste Management Board ng Lungsod, ang inisyatiba ay magkatuwang na gagawin kasama ang Public Information Office (PIO) ng Lungsod upang maunawaan ng komunidad ang mga interbensyon na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod laban sa mga isyu sa basura at pagbaha.

Sa Panaghisgot Forum ng PIO noong Huwebes, Disyembre 1, 2022, sinabi ni Hijara na ang kakayahan ng mga kabataan sa social media, lalo na ang mga influencer sa internet, ay maaaring makatulong sa pagpapalaganap ng kampanya ng gobyerno.

Dagdag pa nito na ang Pamahalaang Lungsod ay nakikipagsapalaran din sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang matugunan ang mga problema sa basura tulad ng waste-to-energy (WTE) facilities at material recovery facility (MRF).

Noong Setyembre 22, nag-isyu ang Pamahalaang Lungsod ng notice of award sa isang pribadong kompanya para sa pagtatayo ng P4.8-bilyong pasilidad ng WTE na kayang magproseso ng 800 toneladang basura kada araw para makagawa ng kuryente.

Kamakailan lamang, nagpadala ang isang kumpanyang nakabase sa Australia ng hindi hinihinging panukala sa Pamahalaang Lungsod para sa pagtatayo ng pasilidad ng WTE na may kakayahang gumawa ng 50 megawatts ng renewable energy.

Sinabi pa ni Hijara na tinutuklasan na ngayon ng Lungsod ang mga posibleng lokasyon sa hilaga at timog na distrito para sa paglikha ng isang MRF kung saan ang mga basura na maaari pang i-recycle ay aayusin.

Sa Sabado, Disyembre 3, magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng isa pang city-wide clean-up drive na lalahukan ng lahat ng 80 barangay, empleyado ng City Hall, pribadong stakeholder at civic groups.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe