Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsMandaue City, kauna-unahang LGU sa Cebu na 'UHC-integrated'

Mandaue City, kauna-unahang LGU sa Cebu na ‘UHC-integrated’

Iginawad sa lungsod ng Mandaue ang kauna-unahang local government unit (LGU) ng Cebu na naging Universal Health Care (UHC)-integrated site sa ginanap na ceremonial launching ng UHC Integration Site na isinagawa ng mga opisyal ng Department of Health Central Visayas (DOH 7), katuwang ang Philippine Health (PhilHealth) Insurance at City Health Office ng Mandaue City noong Lunes, Nobyembre 28, 2022, sa Mandaue City Sports and Cultural Complex.

Sa talumpati ng DOH Regional Director Jaime Bernadas, sinabi nito na ang kanilang misyon sa Central Visayas ay bumuo ng isang people-centered, resilient, at equitable health system.

Sinabi rin niya na ang vision ng DOH para sa mga Pilipino ay maging isa sa mga pinakamalusog na tao sa Southeast Asia sa 2022 at sa Asia sa 2040.

Aniya, makikipagtulungan ang DOH 7 sa City Health Office para ipatupad ang mga reporma sa Mandaue City Health Care System.

Idinagdag niya na ang isa sa mga mahalagang tampok ng repormang ito ay ang pagpapatala sa bawat mamamayan ng isang primary care provider (PCP) na maaaring magbigay ng angkop na antas ng pangangalaga at pasilidad sa pamamagitan ng isang Health Care Provider Network.

Sinabi niya na ang mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ay patuloy na lumilipat sa kanilang mga istasyon at nagsagawa ng family profiling sa pamamagitan ng regional initiated system, “Check-up Profiling System.”

Hinikayat niya ang lahat ng residente sa Mandaue City na tiyaking sila ay naka-profile at tugma sa isang healthcare provider habang hinihintay ang mga posibleng pagbabago ng tirahan.

Kasama rin sa naturang aktibidad ang mga Mandaue City Officials sa pangunguna ni Mayor Jonas Cortes at Vice Mayor Glenn Bercede.

Ang Universal Health Care-Integration Site ay ang mga Highly Urbanized Cities (HUCS), at (Independent Component Cities) ICCs na nagpahiwatig ng kanilang pangako sa kagawaran ng pangkalusugan na isama ang kanilang local health system sa isang City-wide health system (CWHS).

Sa Universal Healthcare, lahat ng Pilipino ay ginagarantiyahan ng patas na pag-access sa de-kalidad at abot-kayang mga produkto at serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at protektado laban sa panganib sa pananalapi.

Nangangahulugan na tuluy-tuloy ang paghahatid ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, na kinabibilangan ng pagpapangkat ng mga tagapagkaloob at pasilidad sa mga network ng tagapagbigay ng pangunahing pangangalaga, at pag-uugnay sa mga ito sa mga secondary at tertiary care facilities bilang networks.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas noong Pebrero 2019.

Kabilang din ang Cebu sa 14 na probinsya sa bansa na nagpahayag ng pangakong lumahok sa konsepto ng UHC nang lumagda sina Cebu Governor Gwendolyn Garcia at dating Health secretary Francisco Duque III sa isang memorandum of understanding kasunod ng opisyal na paglulunsad ng pagpapatupad ng UHC sa lalawigan noong Enero 9, 2020.

Ilan pa sa mga kasama ay ang Valenzuela City, Parañaque City, Baguio, Iloilo, Isabela, Batangas, Quezon, Aklan, Antique, Guimaras, Compostela Valley, Davao del Norte, Sarangani, and South Cotabato.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe