Patay ang dalawang miyembro ng CPP-NPA sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion, 3rd Infantry Division ng Philippine Army at ng rebeldeng grupo sa Sitio Upper Binataan, Barangay Quintin, Remo, Moises Padilla, Negros Occidental nitong ika-28 Nobyembre 2022.
Nagsagawa lamang ang mga sundalo ng security patrol sa lugar upang maiwasan ang mga iligal na gawain ng mga rebeldeng NPA gaya ng pangingikil nang makasagupa nila ang grupo dakong alas siyete ng umaga.
Tinatayang nagtagal ang sagupaan sa pagitan ng dalawang grupo sa halos 40 minuto. Natigil lamang ito nang nagsimulang tumakas ang mga rebelde patungo sa hilagang direksyon.
Maliban sa dalawang bangkay na naiwan, nakumpiska rin sa ng mga sundalo encounter site ang iilan sa mga matataas na armas.
Kabilang dito ang dalawang M16 rifles; isang M203, AK47 at M14; isang Magnum .357 Revolver na may tatlong (3) serviceable ammunitions; tatlong magazine para sa AK47; pitong magazine para sa M16 rifle; dalawang Rifle Grenade; isang Serviceable Ammo 40mm HE; medical equipment at supply; at iba pang mga personal na kagamitan at mga mahahalagang dokumento.
Kinilala naman ang mga nasawi na sina Johnhilll Sarsa alias Mark, residente ng Brgy. Planas, at sina Dalmacio Dela Torre alias Delmar, residente ng Brgy. Trinidnad,parehong sakop ng Guilhulngan City.
Si Johnhilll ay siyang Political Officer ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Platoon Lenovo, Central Negros Front 1 (CN1), Komiteng Rehiyon – Negros Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS) ng Communist Terrorist Group (CTG). Habang si Dalmacio naman ay miyembro ng CN1, KR-NCBS.
Samantala nagpasalamat naman si Major General Benedict Arevalo, 3ID Commander, sa mga residente sa nasabing bayan sa pakikipagtulungan nito sa kanila upang tuluyang masugpo ang katiwalian na dulot ng mga rebelde. Habang pinuri rin niya ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon.
“We are determined to end the local armed conflict, for we have the support and cooperation of the Negrenses who shared with us the same vision of having a CPP-NPA-free Negros,” dagdag pa niya.