Thursday, December 26, 2024

HomeNews‘Mandarayang tindero’, nanganganib mawalan ng permit to sell

‘Mandarayang tindero’, nanganganib mawalan ng permit to sell

Hindi na papayagang magtinda ang mga nagtitinda sa Tabunok Public Market sa Talisay City na mahuling nanloloko sa kanilang mga customer.

Ayon kay Arnie Dela Torre, market head, hindi na mare-renew ang permit ng mga tindero na sasampahan ng reklamo at mapatunayang nagkasala.

Sa biglaang inspeksyon na ginanap noong Nobyembre 17, 2022, umabot sa tatlumpung timbangan na may problema sa pagtitimbang at tatlong kulay na ilaw sa mga fish stall ang nakumpiska sa palengke.

Sinabi ni Dela Torre, na pinakinggan niya aniya ang iba’t ibang dahilan ng mga may-ari sa kanilang depensa, ngunit tiniyak pa rin nito sa publiko na iimbestigahan nila ang mga vendor na pinaghihinalaan o inaakusahan ng panloloko ng kanilang mga customer.

Aniya, ang pampublikong pamilihan ay may tatlong “Timbangan nang Bayan” na wastong naka-calibrate, na magagamit ng mga customer kung sa tingin nila ay dinaya sila.

Kung magiging tama ang kanilang mga hinala, hinimok niya silang agad na iulat ang bagay sa kanyang tanggapan para maaksyunan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe