Thursday, December 26, 2024

HomeNewsAlkalde ng Mandaue, nangako ng tulong para sa mga nasunugan sa Looc

Alkalde ng Mandaue, nangako ng tulong para sa mga nasunugan sa Looc

Umapela si Mandaue City Mayor Jonas Cortes sa mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Sitio Paradise sa Barangay Looc na huwag mawalan ng pag-asa, dahil tiniyak niya ang tulong ng Pamahalaang Panlungsod.

“Sa mga kapatid ko sa Sitio Paradise, huwag mawalan ng pag-asa. The City Government is here to assist you. We can rise from this tragedy,” saad ng alkalde sa Facebook post noong Miyerkules, Nobyembre 23,2022.

Naganap ang sunog dakong alas-11 ng gabi noong Martes, Nobyembre 22, na kung saan ay umabot ang naapektohan sa hindi bababa sa 250 na mga bahay, sa pahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa panayam noong Miyerkules.

Sinabi ni Cortes na nalungkot siya sa nangyari. Aniya, ang mga apektadong residente ay pinatira na ngayon sa isang pansamantalang evacuation center sa Mandaue City Central School.

“Naglagay kami ng mga modular tent para mabigyan ang mga evacuee’s ng komportableng lugar na matutulogan,” saad nito.

Nagtalaga rin ang Pamahalaang Lungsod ng mobile kitchen para pakainin ang mga nasunugan.

Sinabi ni Cortes na patuloy ang profiling at validation ng mga nasunugan upang matukoy kung ilan ang tunay na naapektuhan ng sunog.

Binigyan din ang mga residente ng disaster kits at food packs.

Nanawagan naman ang Alkalde ng mga donasyon para sa mga nasunugan, na kung saan ayon dito na sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong ay maaaring magpadala ng kanilang mga donasyon sa pamamagitan ng City Social Welfare Office o sa Barangay Hall sa Barangay Looc.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe