Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsForeign students inaasahang dadagsa sa Negros Occidental

Foreign students inaasahang dadagsa sa Negros Occidental

Inaasahang dadagsa sa lalawigan ng Negros Occidental ang mga banyagang mag-aaral, ito ay matapos ma-renew ng probinsya ang kasunduan nito sa AFS Intercultural Programs Philippines Foundation o AFS IPP, siyang magbubukas ng mga oportunidad ng iba’t ibang foreign partners na mag-aral ng English language habang nakikihalubilo sa kulturang Pinoy.

Sa pamamagitan ng Negros Occidental Language and Information Technology Center o NOLITC, ang probinsya ay nakatakdang tatanggap ng walong high school at college students na mag-aaral sa iba’t ibang partner-schools sa mga lungsod ng Bacolod at Talisay.

Ayon pa kay Ma. Cristina Orbecido, NOLITC Vocational School Administrator, ang pakikipag-tulungan ng probinsya sa AFS Philippines ay bahagi sa layunin nila na mas mapalawak ang global citizenship education.

Aniya ang presensya ng mga banyagang mag-aaral ay makakatulong sa ating mga mag-aaral at kaguruan na makahalubilo ng iba pang kultura at mga kaugalian.

Si Governor Eugenio Jose Lacson at AFS IPP President Rahiema Bagis-Guerra ang siyang pumirma ng Memorandum of Renewed Agreement nitong nakaraang huwebes na ginanap sa mismong Provincial Capitol ng Negros Occidental.

Ang walong mga estudyante ay mula sa Germany, Finland, Japan, Italy at Belgium ay kasalukuyan ng nasa Negros Occidental at mananatili rito hanggang sa katapusan ng Mayo sa susunod na taon.

Bukod sa NOLITC, kabilang sa iba pang partner-schools ang Negros Occidental High School, Bacolod Tay Tung High School, La Consolacion College-Bacolod, Carlos Hilado Memorial State University, at Technological University of the Philippines-Visayas.

Sa ilalim ng naturang kasunduan, magsasagawa ang NOLITC ng English Intensive Program para sa mga foreign student at mga volunteer na nakasentro sa English as a second language habang nakikihalubilo sila sa kulturang Filipino partikular na ang pagiging Negrense sa loob ng apat na buwan.

Bilang partner-school, maari ding tumanggap ang NOLITC ng mga kwalipikadong mag-aaral na pwedeng mag-aral sa labas ng bansa, kailangan lamang mag-apply sa iba’t ibang programa ng AFS Intercultural Exchange Program.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe