Sunday, October 6, 2024

HomeNewsPublic school teacher, patay matapos pagsasaksakin ng kanyang mister

Public school teacher, patay matapos pagsasaksakin ng kanyang mister

Dumaguete City,Negros Oriental – Isang guro sa pampublikong paaralan sa Valencia,Dumaguete City ang brutal na pinatay ng kanyang asawa noong Nobyembre 18, 2022.

Kinilala ang biktima na si Irma Klyne Costas, 35 taong gulang, residente ng Brgy. North Poblacion Valencia, Negros Oriental, isang guro sa kindergarten school ng Bong-ao Elementary, samantala ang suspek ay ang kanyang asawa na kinilalang si Marneil Ralph Costas.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang suspek ay nagtungo sa istasyon ng walang saplot pang-itaas at sumuko matapos niyang pagsaksakin ng ilang beses ang kanyang misis na nagdulot sa agarang pagkamatay ng biktima.

Samantala, sa panayam sa ilang malalapit na kaibigan ng biktima, sinabi ng mga ito na matagal nang hiwalay ang mag-asawa at hindi na regular ang kanilang komunikasyon. Ayon sa karagdagang ulat, may mga personal na problema ang suspek.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng suspek sa naturang krimen.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe