Thursday, December 26, 2024

HomeNewsMedical Scholar ng Northern Samar, isa nang ganap na Doktor

Medical Scholar ng Northern Samar, isa nang ganap na Doktor

Northern Samar – Isa sa mga scholar ng Medical Scholarship Program ng Northern Samar Provincial Government ang pumasa sa kakalabas lamang ng resulta ng Physician Licensure Examination (PLE) nitong Nobyembre 10, 2022.

Si Dr. Ric Arthur Estuaria ay tubong bayan ng Allen, ay isa sa walong iskolar ng medisina ng lalawigan nang ilunsad ang programa noong 2020.

Kabilang siya sa 3,826 na pumasa ng PLE na pinangasiwaan ng Professional Regulation Commission noong Oktubre.

Siya ay nag-aaral sa Remedios Trinidad Romualdez Medical Foundation nang matanggap siya sa programa na nagbibigay ng libreng tuition fee na hanggang Php100,000 kada semestre; libro, uniform allowance; at gastusin sa pagre-review.

Mensahe ni Estuaria sa isang Facebook post, “Thank you for your unwavering support, thank you for making me part of your family. It is an honor to be the first licensed grantee of the program. I look forward to being part of the healthcare team and having the honor of serving our fellow Nortehanons”.

Sinabi niya na ang pagiging isang doktor ay ang kanyang “panghabang-buhay na pangarap” na ginawang posible ng kanyang pamilya at mga kaibigan na naniniwala sa kanya.

“Ito ang aming tagumpay,” isinulat ni Esturaria.

Sa loob ng dalawang taon, mayroon na ang pamahalaang panlalawigan ng 13 medical scholars mula sa iba’t ibang bayan.

Umaasa si Northern Samar Governor Edwin Ongchuan na ang tagumpay ng Estuaria ay magbibigay inspirasyon sa iba pa nilang mga medical scholars.

“Ang pamahalaang panlalawigan ay nakikibahagi sa tagumpay ni Dr. Estuaria, umaasa na siya ay makakasama natin sa lalong madaling panahon sa paglilingkod sa ating mga tao,” sabi ni Ongchuan sa isang pahayag noong Biyernes.

“I encourage those with the heart of improving health care service delivery in the province, to get on board, and pursue their dream of becoming doctors under our medical scholarship program”, dagdag pa niya.

Layunin ng scholarship program na tulungan ang Northern Samar na magkaroon ng mas maraming doktor na maglilingkod sa komunidad sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga ospital na pinapatakbo ng probinsya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe