Saturday, November 23, 2024

HomeNational NewsNegros Occidental, nakakuha ng scholarship agreement sa dalawang paaralan sa Australia

Negros Occidental, nakakuha ng scholarship agreement sa dalawang paaralan sa Australia

Nakakuha ng dalawang scholarship agreement ang lalawigan ng Negros Occidental sa dalawang paaralan sa Northern Territory, Australia, iyan ay matapos bumisita si Governor Eugenio Lacson sa bansa nitong Nobyembre 5 hanggang 11 taong kasalukuyan.

Ang naturang dalawang paaralan ay ang Alana Kaye College at ang International College of Advance Education (ICAEC).

Ayon kay Karen Dinsay, pinuno ng Negros Occidental Scholarship Program Division, sampung mga mag-aaral mula sa probinsya ang maaring mag-aral sa Alana Kaye College sa Darwin habang lima pang iba sa ICAEC sa Rapid Creek.

Dagdag pa niya na ang programa ay tiyak na makakatulong upang madagdagan pa ang mga kaalaman ng lahat ng Negrense scholar na magkakaroon din ng oportunidad na maging permanenteng residente sa Australia.

Pumirma sina Governor Lacson kasama si Alana Anderson, Chief Executive Officer (CEO) ng Alana Kaye College at sina Sean Mahoney, CEO of ICAEC, ng memorandum of agreement (MOA) kaugnay sa pagpapatupad ng “Study Now, Pay Later” Scholarship Program ng lalawigan.

Sa ilalim ng mga programa, ang mga benepisyaryo mula sa Negros Occidental ay pwedeng mag-aral ng early childhood education at care sa Alana Kaye College sa dalawang taon. Habang sa ICAEC naman, maaaring mag-aral ang mga benepisyaryo ng hospitality, tourism, at cookery.

Samantala nakipagkita naman si Governor Lacson sa iilang mga opisyal ng Department of Industry, Tourism and Trade, NT Cattleman’s Association, NT Farmers Association, at NT Live Export Association upang makahanap ng katuwang sa pagpapalago at pagpapalakad ng agribusiness sa probinsya lalo na sa industriyang pang-agrikultura, lalo na sa produksyon at pagbebenta nito.

Binisita rin ni Lacson ang National Critical Care at Trauma Response Centre, kung saan makikita ang iilan sa mga disaster at emergency medical response sa bansa, kung saan bahagi din ito sa pagbibigay ng mga clinical at academic leadership training kaugnay sa mga banta ng sakuna, trauma care, at international education.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe