Sunday, October 6, 2024

HomeNewsDating miyembro ng Private Armed Group sa Samar, arestado ng Samar PNP

Dating miyembro ng Private Armed Group sa Samar, arestado ng Samar PNP

Samar – Arestado sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Samar PNP ang isang lalaki na dating miyembro ng Private Armed Group at Top 6 Most Wanted Person (Provincial Level) sa Sta Margarita, Samar nitong Lunes, Nobyembre 14, 2022.

Kinilala ni Police Lieutenant Marvin B Labrague, Officer-In-Charge ng Sta Margarita Municipal Police Station ang naaresto na si alyas “Nono”, 58 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Mabuhay, Sta. Margarita, Samar.

Ayon kay PLt Labrague, ang naaresto ay dating miyembro ng Deborbon Armed Group o gun-for-hire group na nag-ooperate nang dekada na sa lalawigan partikular sa unang distrito ng Samar.

Ayon pa kay PLt Labrague, madaling araw nang maaresto si alyas “Nono” sa bisa ng Warrant of Arrest ng pinagsanib na pwersa ng Sta Margarita MPS, Regional Intelligence Unit, 123rd SAC, 12th SAB, PNP-Special Action Force, 1st Samar PMFC, at SPPO-Provincial Intelligence Unit

Mahaharap ang naaresto sa kasong Murder na inisyu ng Calbayog Regional Trial Court Branch 22 at walang inirerekomendang piyansa.

Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Samar PNP na hulihin ang mga wanted person sa probinsya upang makakamit ang kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng komunidad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe