Sunday, October 6, 2024

HomeNewsResidenteng nag-amok sa Samar nabaril ng isang Kapitan, patay

Residenteng nag-amok sa Samar nabaril ng isang Kapitan, patay

Boluntaryong nag-surender sa Basey Municipal Police Station ang isang kapitan sa Basey, Samar matapos nitong mabaril ang isang residente na nag-amok sa kanilang lugar bandang alas 9 kagabe noong Nobyembre 13, 2022.

Kinilala ang nakabaril sa biktima na si Venerado Bacayo y Centina, Punong Barangay ng Barangay Old San Agustin ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap umano ng tawag si Kapitan Bacayo mula sa isang residente na mayroong nag-aamok na tao sa kanilang lugar na agad naman nitong pinuntahan upang sawayin, ngunit nadala raw sa emosyon ang nasabing kapitan sa mga binitawang masasama at hindi magagandang salita ang biktima na kinilalang si Rodel Lapinig y Manzanes, 32-anyos, na habang lasing at nakahawak ng mahabang itak, hinahamon nito ang suspek nang siya ay barilin.

Tinamaan ang biktima sa kanyang ulo, na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Basey Municipal Police Station Lock Up cell ang nasabing opisyal ng barangay at haharapin ang kaukulang kaso laban sa kanyang nabaril na residente.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe