Saturday, November 23, 2024

HomeNewsContainer van na nakatambak sa isang bodega sa Cebu City, nasunog

Container van na nakatambak sa isang bodega sa Cebu City, nasunog

Hindi bababa sa apat na container van na nakatambak sa loob ng isang bodega sa Rosita West White Road, Barangay Inayawan, Cebu City ang nasunog noong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 9, 2022.

Nagsimula ang sunog alas-6:54 ng gabi at itinaas sa unang alarma noong 7:09 p.m. at nakontrol sa 7:21 p.m. at naitala na ang pinsala ay umabot sa Php12,150.

Natuklasan ng mga rumespondeng bumbero mula sa Cebu City Fire Station at Barangay Fire Brigade na ang mga container van na inilagay sa loob ng warehouse ng Pollution Abatement Systems Specialist Inc. na pag-aari umano ng isang Julito Pogoy ay naglalaman ng mga medikal na basura mula sa iba’t ibang ospital sa Cebu City na kinumpirma ng warehouse supervisor na si Mac Indy Bellin.

Sa panayam kay Bellin, sinabi nito na sinubukan nilang apulahin ang apoy ngunit nabigo sila kaya tumawag sila sa fire station para humingi ng tulong.

Saad pa ni Bellin, hindi niya matukoy kung sino ang responsable sa sunog dahil nangyari ang insidente sa outside office work at ang mga empleyado ay nakauwi na.

Bukod pa dito, patuloy umano silang nagpapaalala sa mga empleyado na huwag manigarilyo malapit sa mga container van.

Samantala, dalawa naman sa mga umapilang bumbero ang nasugatan sa sunog matapos makatapak ng karayom at ang isa na umano’y sakay ng motorsiklo ay matamaan nang ang driver ng firetruck na kanyang sinusundan ay biglang nagpreno. Agad naman na dinala ang mga nasugatan sa ospital para magamot.

Ayon naman kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, inaalam pa nila kung ano ang sanhi ng sunog, kabilang na ang isang nakasinding upos ng sigarilyo na posibleng itinapon sa lugar.

Source: https://www.sunstar.com.ph/article/1945706/cebu/local-news/container-vans-containing-hospital-wastes-catch-fire-in-inayawan

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe